Mga nominado sa 4th Eddys Award, kilalanin!

Inaabangan na ng publiko kung sino sa mga nominado ang magwawagi sa 4th Entertainment Editors Award o Eddys Award na gaganapin sa Lunes, Marso 22 sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) channel.

Nabatid na nominado ang mga pelikulang Fan Girl, Hayop Ka!: The Nimfa Dimaano Story, He Who Is Without Sin, The Boy Foretold By The Stars, at Untrue.

Maglalaban naman para sa titulong Best Actress sina Charlie Dizon, Coleen Garcia, Bela Padilla, Christine Reyes at Sylvia Sanchez.


Habang sa titulong Best Actor naman sina John Arcilla, Paulo Avelino, Elijah Canlas, Adrian Lindayag at JC Santos.

Magtatagisan naman sa kategoryang Best Supporting Actress sina Via Antonio, Rhen Escaño, Agot Isidro, Sanya Lopez at Shaina Magdayao at patalbugan din sina Ricky Davao, Matteo Guidicelli, Edgar Allan Guzman, Zanjo Marudo at Enzo Pineda para sa Best Supporting Actor award.

Facebook Comments