Mga nominado sa pagka-PNP Chief, ipinasasailalim sa lifestyle check at pinagsusumite ng kanilang mga records

145

Ipinasasailalim ni ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa lifestyle check ang tatlong PNP officials na nominado sa pagka PNP Chief.

 

Layon aniya ng lifestyle check na maipakita sa publiko na malinis sila sa anumang bahid ng katiwalian sakaling mapili ng Pangulo na bagong PNP Chief.


 

Hiniling din na dapat isama sa mga isusumite sa rekomendasyon sa Pangulo ang kanilang mga records mula ng magsimula sa PNP.

 

Kasama rin sa mga isusumite ang mga kaso na kanilang kinasangkutan.

 

Sinabi naman ni House Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor na suportado niya ang gagawing pagpili ng Pangulo sa magiging hepe ng PNP.

 

Wala naman anyang magagawa ang sinuman kung ang pipiliin ng Pangulo ay mas batang heneral upang maging PNP Chief.

Facebook Comments