May tyansa nang maging regular ang mga kawani ng pamahalaan na may 10 years in service pataas pero hindi pa permanente ang status.
Sa Malacañang Insider, sinabi ni Civil Service Chairperson Karlo Nograles ito ay sa pamamagitan ng Civil Service Eligibility Preference Rating kung saan mabibigyan ng plus ten points ang mga government employees na sampung taon na sa serbisyo kahit hindi pa nakakapasa sa Civil Service exam.
Gayunpaman, kailangan pa rin kumuha ang mga ito ng Civil Service exam pero maaari nang hindi maabot ang 80% passing grade.
Ibig sabihin, ang mga nakakuha ng 70% hanggang 79% ay ikukunsiderang pasado dahil sa plus ten points ang minimum 10-year requirement sa government service.
Ayon kay Nograles, ikinunsidera nila ang malawak na ding karanasan ng mga nasabing kawani dahil na din sa tagal ng kanilang pagsiserbisyo sa pamahalaan.