Umabot na sa 203 ang mga note verbale o mga diplomatic note na naihain ng Pilipinas laban sa China.
Ito ay kasunod ng mga agresibong aktibidad ng China sa teritoryo na sakop ng ating bansa
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Teresita Daza, sa 203 note verbale, 75 rito ay inihain ngayong administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
195 naman ang naihaing protesta laban sa China noong 2022 at walo ngayong 2023
Kabilang dito ang paghaharass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal noong ika-6 ng Pebrero, 2023 kung saan tinutukan ng military-grade laser ang BRP Malapascua na nagresulta sa panandaliang pagkabulag ng mga sakay na tauhan ng PCG.
Noong November 20, 2022 naman ay pwersahang kinuha ng CCG ang natagpuang debris ng Philippine Navy sa karagatang sakop ng Pilipinas.