Mga NPA, Nakasagupa ng Militar at PNP sa Cagayan; Pulis Sugatan!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang pulis matapos mapalaban ang tropa at kasundaluhan sa hindi pa matukoy na bilang ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Bigoc, Barangay Alucao, Sta Teresita, Cagayan.

Dakong alas 4:20 ng hapon, Enero 28, 2020 nang mangyari ang engkwentro na tumagal ng mahigit 30 minuto.

Sugatan sa nangyaring sagupaan si Patrolman Carlo Angelo Dasalla Turo, 23 anyos, may-asawa, nakatalaga sa 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (2CPMFC) at residente ng Brgy Tallungan, Aparri, Cagayan.


Nag-ugat ang engkuwentro nang magresponde ang tropa ng pamahalaan sa lugar kung saan naroon ang presensya ng makakaliwang grupo na nanghihingi ng supply sa mga residente.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, tagapagsalita ng PRO-2, kasalukuyang nagpapagaling sa isang pagamutan si Turo habang patuloy ang hot pursuit operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan at ng Marine Battalion Landing Team (MBLT10) ng 5th ID laban sa mga nakasagupang NPA.

Tgas: 98.5 ifm cauayan, ifm cauayan, cauayan city, Marine Battalion Landing Team (MBLT10), 5th ID, Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, npa, Sitio Bigoc, Barangay Alucao, Sta Teresita, Cagayan, Patrolman Carlo Angelo Dasalla Turo, cagayan,

Facebook Comments