Mga nuisance candidate, aapela sa Comelec

Pito na senatorial aspirants ang iaapela ang pagdedeklara sa kanila bilang nuisance candidates sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Commission on Elections o Comelec Chairman George Erwin Garcia, maghahain ang mga ito ng motions for reconsideration upang tutulan ang desisyon ng poll body na itinuturing na silang mga panggulo at hindi na maisasama pa sa balota.

Ang mga naghain ng certificate of candidacy na aapela ay sina Felipe Fernandez Montealto Jr., Orlando Caranto de Guzman, John Rafael Campang Escobar, Roberto Sontosidad Sembrano, Fernando Fabian Diaz, Luther Gascon Meniano at Alexander Encarnacion.


Kasunod nito, sinabi ni Garcia na tatalakayin ng Comelec en banc ang kanilang inihaing motions for reconsideration saka dedesisyunan.

Isa naman sa nuisance candidates ang iaakyat ang apela sa Korte Suprema.

Ayon naman kay Garcia, mahalaga na rin na maagang naresolba ang mga nuisance upang magkaroon pa sila ng panahon para ma-avail ang legal remedies.

Facebook Comments