Inanunsiyo ni Department of Health (DOH) Secretary Teddy Herbosa na maaari nang sumailalim sa libreng training at review ang lahat ng nurses na nagtatrabaho sa anumang health institution sa bansa.
Ito’y sa pamamagitan ng tulong ng mga review center na nasa ilalim mg pangangasiwa ni Dr. Carl Balita.
Ayon kay Balita, nasa 10,000 nurses sa buong bansa ang kanilang maaaring isasailalim sa training at review.
Aniya, kinakailangan lamang na makipag-ugnayan ang isang nurse na nais mag-avail nito sa kanilang mga review center.
Sinabi ni Balita na tulong na nila ito sa mga pinoy nurse upang makapasa sa exam at makapagbigay serbisyo sa banyan.
Dagdag naman ni Sec. Herbosa, malaking bagay ito upang mahikayat ang mga pinoy nurse na hirap o hindi kayang gumastos sa mga review center.
Nabatid na ang naturang hakbang ng DOH ay bilang sagot sa nagiging problema ng kakulangan ng nurse sa mga hospital sa bansa kung saan una ng inihayag ni Herbosa na bigyan sana ng temporary license ang mga nurse na hindi nakapasa exam pero may 70-74% na average para pansantalang magtrabaho bilang solusyon.