Hindi masisisi ng Philippine Nurses Association (PNA) ang pagbibitiw sa trabaho ng maraming nurse sa ilang pribadong ospital sa bansa.
Ayon kay PNA National President Melbert Reyes, bukod sa delay na COVID-19 benefits, napakaliit din ng sahod ng mga nurse sa Pilipinas kumpara sa pwede nilang kitain sa ibang bansa.
Sa halip na purihin at tawaging bayani, iginiit ni Reyes na mas dapat tapatan ng gobyerno ang sakripisyo ng mga health workers ngayong panahon ng pandemya.
Aniya, talagang mawawalan ng gana ang mga health worker kung pati sa pagkuha ng Special Risk Allowance (SRA) ay pinapahirapan pa sila.
Facebook Comments