Mga nurse sa bansa, may panawagan sa pamahalaan kasabay ng selebrasyon ng International Nurses Day ngayong araw!

Bukod sa matinding kapagurang dinaranas, pinanghihinaan na rin ng loob ngayon ang mga nurse sa bansa na pakikipaglaban sa COVID-19.

Ito ang binigyang-diin ng grupong Filipino Nurses United kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng International Nurses Day matapos na mabatid na hindi pa rin nila natatanggap ang nararapat na kompensasyon para sa Pinoy nurse.

Ayon kay Maristela Abenojar, presidente ng Filipino Nurses United, hindi pa rin nakukuha ng mga nurse sa public hospital ang sweldo nilang salary grade 15 o P32,000 habang nasa minimum lang ang sahod ng nurses sa private hospitals.


Bukod dito, delay rin aniya ang Special Risk Allowance at active hazard pay ng health workers.

Bunsod nito, marami aniya sa mga Pinoy nurse ngayon ang lumilipat na ng trabaho dahil hindi nila nararamdaman na mahalaga sila sa pamahalaan.

Facebook Comments