Mga nursing graduates sa bansa na nais magtrabaho sa US, tumaas sa 147%

Tumaas sa 147% ang mga nursing graduates na nagnanais na magtrabaho sa Estados Unidos.

Mula sa 1,501 nursing graduates na kumuha ng US nursing licensure examination mula Enero hanggang Marso 2021, tumaas sa 3,714 nursing graduates o 147% ang nagpahayag ng pagnanais na magsanay ng kanilang propesyon sa Estados Unidos sa kaparehong period ngayong taon.

Ayon kay Assistant Majority Leader Eduardo Gullas, ang bilang ng mga nursing graduates sa Pilipinas na kumuha ng licensure exam sa unang pagkakataon ay magandang indikasyon dahil marami ang nagnanais na makapasok sa US labor market.


Sa nasabing bilang, hindi pa kasama rito ang mga “repeaters” o iyong mga umulit na kumuha ng pagsusulit.

Iminungkahi ni Gullas na ang mga unibersidad sa bansa ay dapat na agresibong mamuhunan sa pagsasanay ng mga entry-level nurses lalo na kung nais ng bansa na tapatan ang global demand at magpadala ng mga bagong practitioners habang pinupunuan din ang local requirement.

Facebook Comments