Mga obispong kasama sa mga kinasuhan ng sedition ng PNP- CIDG, naghain ng kontra-salaysay sa DOJ

 

Pormal nang naghain sa DOJ ng kanilang kontra-salaysay sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, retired Bishop Teodoro Bacani at Pablo Virgilio David kaugnay reklamong isinampa sa mga ng PNP-CIDG.

 

May kinalaman ito sa pagkalat ng “ang totoong narcolist” videosĀ  ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy.

 

Si Bishop Bacani ay nagtungo sa DOJ kasama ang kanyang abogado na si Atty. Christian Monsod.


 

Sina Villegas, Bacani at David ay kabilang sa mga personalidadĀ  na idinawit ni Advincula, kasama sina VP Leni Robredo, dating Senador Antonio Trillanes, Bam Aquino ,Leila de Lima at Risa Hontiveros, mga opisyal ng Integrated Bar of the Phils at mga kaalyado ng dating administrasyon.

 

GinawaĀ  ng mga obispo ang paghahain ng kanilang counter-

Affidavit isang araw bago ang preliminiry investigation ng DOJ bukas.

 

Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa kanila ay sedition, estafa, libel,Ā  cyberlibel, harboring a criminal at obstruction of justice.

Facebook Comments