MGA OBRA NG MGA LOKAL NA MANANAHI SA POZORRUBIO, TAMPOK SA FASHION FOR A CAUSE

Mula sa tradisyunal na Baro’t Saya at Barong Tagalog hanggang sa Modern Filipiniana at terno, inirampa ng mga nagsilbing modelo ang mga kasuotan na gawa ng mga mananahi sa bayan ng Pozorrubio para sa isang Fashion and dinner for a cause.

BIlang bahagi ng 156th Founding anniversary at Town Fiesta ng bayan ng Pozorrubio, nagkaroon ng programang “Fashion and Flavor For Hope: Dine For A Cause” kung saan ipinakita ang galing ng mga lokal na mananahi sa bayan pagdating sa paggawa ng mga pormal na kasuotan.

Ang programa ay naisakatuparan sa adhikaing maisulong ang pagkamalikhain ng mga mamamayan sa bayan ganun din ang paglilinang pa sa talentong ito at pagpapa-unlad ng industriya ng pagtatahi.

Samantala, ngayong araw naman pagpatak ng alas sais ng umaga ay maguumpisa na ang community parade sa bayan ng Pozorrubio bilang bahagi pa rin ng kanilang Town Fiesta.

Facebook Comments