Makukumpleto na ngayong katapusan ng buwan ng Hunyo ang konstruksyon ng anim (6) na dormitoryo sa loob ng Quezon City Memorial Circle para sa mga healthcare workers.
Minamadali na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Task Force for Augmentation of Health Facilities ang pagtatayo ng 6 na dormitories na bawat isa ay may 16 na kwarto at may total capacity na 192 katao.
Kabilang sa mga makikinabang dito ay mga hospital workers mula sa Quezon City-based hospitals tulad ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) , Philippine Heart Center (PHC), East Avenue Medical Center (EAMC), Veterans Memorial Medical Center (VMMC), National Children’s Hospital (NCH) at Victoriano Luna General Hospital (VLGH).
Magagamit ang dormitories pagkatapos ng kanilang trabaho sa hospital upang ma-isolate ang kanilang sarili sa kani-kanilang mga pamilya.
Sa ganitong paraan, mabawasan ang banta ng transmission ng COVID-19 sa pagitan ng exposed workers at kasamahan ng mga ito sa bahay.