Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na abisuhan nang maaga ang pamahalaan kung nakatakda silang umuwi ng Pilipinas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad sa bagong protocol ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang lahat ng returning OFWs ay kinakailangang abisuhan ang gobyerno ng limang araw bago sila umalis sa kanilang pinagmulang bansa.
Kukunin aniya ang kanilang pangalan, skills at kanilang pinal na destinasyon.
Sa paraang ito, agad na maisasalang ang mga OFW sa mandatory Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test pagkadating ng bansa, at mabibigyan ang mga lokal na pamahalaan na makapaghanda.
Sa huling datos ng DOLE, nasa 321,000 OFWs ang apektado ng COVID-19 pandemic.