Bibigyan na rin ng COVID-19 booster shots ang mga land-based at sea-based Overseas Filipino Workers na nakatakdang umalis sa bansa sa loob ng apat na buwan.
Ito ang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Kasunod ng pag-arangkada ng booster shot sa mga medical frontliners sa bansa kamakailan.
Ayon kay Galvez, hiniling na ng Inter-Agency Task Force sa Food And Drug Administration (FDA) na amyendahan ang patakaran para mabigyan din ng prayoridad ang mga OFW sa booster shots.
Sa ngayon ay tanging mga health worker, senior citizens, at may comorbidities ang nasa priority list sa pagbibigay ng booster shots ng pamahalaan.
Facebook Comments