Mga OFW, maaaring gumamit ng iRehistro ng COMELEC para sa online registration

Maaaring gamitin ng mga kwalipikadong overseas Filipino voters ang iRehistro online registration facility ng Commission on Elections (COMELEC) para i-fill up ang kanilang voter registration forms online.

Ayon sa COMELEC, ang mga overseas applicants ay maaaring i-access ang online facility sa pamamagitan ng irehistro.comelec.gov.ph

Ang mga aplikante ay maaaring gumamit ng iRehistro at piliin kung anong application ang kanilang ipi-fill up, kabilang na rito ang mga sumusunod:


– Registration
– Certification
– Transfer o transfer with reactivation
– Reinstatement of name (mga pangalang tinanggal sa national registry ng overseas voters)
– Change of name
– Request to withdraw application for registration and certification
– Reactivation
– Change of address
– Updating of photo and signature

Hihingan din sila ng personal information tulad ng pangalan, birth date, passport information, local and foreign residency data at embahada o konsulada kung saan sila magpaparehistro at boboto.

Bibigyan din ang aplikante ng opsyon na magtakda ng appointment at bibigyan ng prayoridad para sa registration.

Pero nilinaw ng COMELEC na ang pag-accomplish ng online form ay hindi nangangahulugang rehistradong botante na dahil kailangan pa silang kunan ng biometrics at dadaan pa ang application sa Election Registration Board (ERB).

Facebook Comments