Mga OFW mula sa South Korea, dumating na rin sa bansa

Kabuuang 143 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang sakay ng special passenger flight ng Asiana Airlines mula sa Incheon, South Korea na dumating sa bansa.

Kabilang sa sakay ng naturang flight ang land-based and sea-based OFWs.

Ito na ang ikawalong special flight ng pamahalaan na sinakyan ng halos 1,500 OFWs mula sa South Korea.


Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Filipino community sa Seoul, South Korea para sa pagsasa-ayos sa repatriation ng mga Pinoy na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments