Mga OFW na apektado ng Kafala system sa Saudi Arabia, tutulungan ng DFA

Photo Courtesy: BBC

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tutulungan nila ang mga Pilipinong nasa Saudi Arabia na gustong umuwi ng bansa.

Kasunod ito ng pagbuwag ng Saudi Arabia ng Kafala na tradisyunal na ‘sponsorship system’ na ipinatutupad sa maraming bansa sa Middle East kung saan hindi maaaring basta makalalabas ng bansa ang isang OFW kung hindi ito papayagan ng employer.

Gayunman, sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Arriola na kailangan pa ring dumaan sa tamang proseso ang mga OFW sa oras na mawala na ang Kafala system doon.


Epektibo ang pagbabago sa sistema sa Marso sa 2021 at handang magbigay ng assistance ang DFA sa mga OFW na gustong umuwi ng bansa.

Facebook Comments