Mga OFW na apektado ng lockdown sa Shanghai, China, papadalhan ng tulong ng gobyerno

Maghahatid ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na naapektuhan ng lockdown sa Shanghai, China dahil sa COVID-19.

Ayon sa DOLE, bibigyan nila ang mga apektadong OFW ng food at medisina na siyang apela ng mga Pilipino roon.

Tinutukoy na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga OFWs na nangangailangan ng tulong sa naturang lungsod.


Nakahanda naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang bigyan ito ng 200 US Dollars kada apektadong OFW.

Mababatid na umiinda ang mga OFWs sa Shanghai ng tulong dahil sa ipinatupad na ‘no work, no pay’ policy sa lungsod at pahirapan ang mga pagbili ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments