Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga Pilipino roon na iwasang mag-backout sa libreng voluntary mass repatriation program ng pamahalaan.
Ang pahayag na ito ng embahada ay matapos na ilang Pinoy ang hindi sumipot sa mismong araw ng flight.
Ayon sa embahada, buwis ng mamamayang Pilipino ang ginagamit para sa programa.
Ang pag-atras kapag naaprubahan na ang repatriation at nabayaran na ang ticket para sa chartered at commercial flights ay malaking pagsasayang ng pondo ng bayan.
Dahil dito, lahat ng “no show” sa kanilang flights sa ilalim ng mass repatriation program ay isasailalim na sa blacklist.
Ibig sabihin, hindi na sila makakasamang muli sa mga susunod na chartered flights ng embahada.
Facebook Comments