Mga OFW na ide-deploy sa Hong Kong, mahigit 12,000

Mahigit 12,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pinayagang makabalik sa trabaho sa Hong Kong sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Consulate General in Hong Kong Raly Tejada, 7,907 dito ay mga newly hire habang 4,755 naman ang terminated employees na may bagong trabaho.

Tiniyak naman ni Tejada na walang dapat ipag-alala ang Filipino community sa Hong Kong kaugnay ng bagong security law dahil hindi naman nakikisanggkot ang mga ito sa mga kilos-prostesta doon.


Samantala, inaasahang mawawalan ng trabaho ang nasa apat na milyong manggagawa sa katapusan ng 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Paliwanag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, batay sa kanilang ‘unemployment projection’ nasa 10 hanggang 15 percent ng workforce ng bansa ang mawawala sa katapusan ng taon.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOLE na nakikipag-ugnayan na sila sa mga call centers at mga back offices ng mga foreign company sa bansa na posibleng magbigay ng mas maraming trabaho sa kasalukuyan.

Facebook Comments