Nakapagbigay na ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hong Kong na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, nagbigay na ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa mga OFW ng pagkain, hygiene kits at power banks para sa kanilang pakikipagkomunikasyon habang naghihintay ng tawag mula sa Center for Health Protection at sa Hong Kong Labour Department.
Aniya, nagbigay rin ang POLO ng 200 US dollar o higit P10,000 cash aid sa mga OFW na nagpositibo sa COVID-19.
Maliban diyan, nakikipag-ugnayan na rin ang POLO sa non-government organization (NGO) para magkaroon ng isolation facility ang ilang OFWs.
Sinabi rin ni Nograles na magbibigay rin ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng 200 US dollar o 10,000 cash aid sa mga OFW na nagpositibo sa virus.
Sa 28 na gma OFW na nagpositibo sa COVID hanggang nitong Pebrero 19, lima ang gumaling na habang ang tatlo ay nakabalik na sa kanilang employer.