Mga OFW na nakatakdang i-deploy sa loob ng apat na buwan, maaaring mabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa COVAX facility

Maaaring mabakunahan gamit ang COVID-19 vaccines mula sa COVAX facility ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakatakdang i-deploy sa loob ng apat na buwan.

Ang mga bakunang donasyon mula sa COVAX ay gagamitin lamang A1 (health workers), A2 (senior citizens), at A3 (persons with comorbidities).

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, ang mga OFWs ay maaring mabakunahan ng COVAX-donated vaccines dahil sa pagkakabilang nila sa A1 category.


Ang mga OFW ay maaaring magtungo sa iba’t ibang vaccination sites sa bansa at magpakita ng contract na nagsasabing ide-deploy na sila sa loob ng apat na buwan.

Facebook Comments