Mga OFW na namatay sa COVID-19 sa Middle East, nadagdagan pa – DFA

Umabot na sa 495 ang mga namatay na Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa 53 mga bansa sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), 12 panibagong death cases ang naitala sa Middle East.

Nadagdagan din ng 12 ang bilang ng mga OFW na tinamaan ng COVID-19 na ngayon ay aabot na sa 6,140.


Tatlong new recoveries naman mula US at ibang lugar sa Asia Pacific Region ang nadagdag para sa kabuuang bilang na 2,851.

Habang nagpapagaling pa sa ospital ang nasa 2,794 pasyente.

Samanatala, umabot na sa 49,520 na mga repatriated OFW ang nakauwi na sa bansa hanggang June 19, 2020.

Sa nasabing bilang, 58.2 percent o 28,816 OFWs ay sea-based habang 41.8 percent o 20,704 ay land-based.

Karamihan sa huling dumating sa bansa ay mula sa Canada, Netherlands at United Arab Emirates.

Facebook Comments