Mga OFW na nasa mga bansang mayroong POLO, prayoridad sa one-time cash assistance ng DOLE

Ipaprayoridad sa one-time cash assistance na Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya at nakabase sa mga bansang mayroong Philippine Overseas Labor Offices (POLOs).

Ayon sa DOLE, ang mga bansang mayroong POLO ay ang: Bahrain; Israel; Jordan; Kuwait; Lebanon; Libya; Oman; Qatar; Kingdom of Saudi Arabia; United Arab Emirates; Australia; Brunei; Hong Kong; Japan; Korea; Macau; Singapore; Taiwan; Malaysia; New Zealand; Canada; Cyprus; Italy; Germany; Greece; Spain; Switzerland; United Kingdom; at United States of America.

Pero sinabi ni DOLE International Labor Affairs Bureau Director Alice Visperas, ang mga pauwi at repatriated OFWs ay maaaring mag-apply sa AKAP Program saan mang bansa sila nanggaling.


Una nang inanunsyo ng DOLE na ang mga OFWs na ire-repatriate sa Pilipinas ay maaaring mag-file ng kanilang application para sa AKAP program bago ang kanilang pagdating sa bansa.

Ang mga bagong applicants para sa AKAP ay tatanggapin sa pamamagitan ng oasis.owwa.gov.ph para sa displaced OFWs na naka-schedule para sa repatriation.

Facebook Comments