Mga OFW na naserbisyuhan ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan, umabot na sa mahigit 32,000

Umabot na sa mahigit 32,000 na Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naserbisyuhan ng ‘Hatid Probinsya para sa mga OFWs’ program ng pamahalaan sa loob ng nagdaang mga araw.

Ayon sa Department Of Transportation (DOTr), umabot na sa 32,220 ang kabuuang bilang ng mga napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.

Mula sa nasabing bilang, 9,714 ang naihatid by land at 14,463 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25 hanggang June 11, 2020.


Maliban dito, 8,043 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula April 27 hanggang June 11, 2020.

Nabatid na ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.

Facebook Comments