Mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi, nagsimula nang tumanggap ng kompensasyon

Nagsimula nang tumanggap ng kanilang inaasahang kompensasyon ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng mga construction firm sa Saudi Arabia noong 2015 at 2016.

Ito ang iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang Facebook page ngayong hapon.

Ayon sa pangulo, naipatupad na ang napag-usapan nila ni Crown Prince Mohammed bin Salman na pagbibigay ng insurance claim sa mga OFW na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.


Nasa P868,740,544 halaga ng mga na-release na tseke habang 1,014 ang na clear na at credited, at nasa 843 ang nabayaran na.

Facebook Comments