Mga OFW sa Canada hindi maaapektuhan ng pagpapauwi sa Philippine Ambassador to Canada

Naniniwala ang Palasyo ng Malacanang na hindi maaapektuhan ang mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa Canada sa ginawang hakbang ng Department of Foreign Affairs na pauwiin sa bansa ang Ambassador ng Pilipinas sa Canada dahil sa issue sa basura na hindi pa nahahakot ng nasabingbansa.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, kailangan ng Canada ang mga Filipino workers kaya tiwala silang hindi magkakaroon ng problema ang mga OFW sa Canda kahit pinauwi na ang ambassador ng Pilipinas.

 

Sinabi pa ni Panelo na ang pagpapauwi sa ambassador ng Pilipinas sa Canada ay pagpapakita na seryoso ang Pilipinas sa pagsusulong na maibalik na sa Canada ang mga basurang ipinadala dito sa bansa ilang taon na ang nakalilipas.


 

Hindi din aniya ito direktiba ni Pangulong Duterte kundi sariling desisyon ni Secretary Locsin dahil hindi naman ito nakikialam sa mga trabaho ng kanyang gabinete pero alam naman na aniya ng pangulo ang ginawa ni Locsin na pauwiin ang ambassador ng Pilipinas sa Canada.

Facebook Comments