Doha, Qatar – Kahit nahaharap sa political at economic crisis ang Qatar, normal pa rin ang pamumuhay ng mga Overseas Filipino Worker sa bansa.
Sa kuwento ni Richard Barredo, na nagtatrabaho sa Doha bilang VIP driver, hindi naman nila nararamdaman ang epekto ng ginagawang pag-isolate ng Qatar.
Maliban sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil nabawasan ang mga kalakal at mga pagkain na pumapasok, halos wala namang nabago sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino sa Qatar sabi pa nito.
Dagdag pa ni Barredo nanatiling mura ang presyo ng gasolina at koryente sa Doha. Tinatayang higit sa daang libong Pilipino ang nagtatrabaho sa Qatar.
Matatandaang pinutol ng Saudi Arabia, kasama na rin ang iba pang bansa sa Middle East, ang ugnayan nito sa Doha dahil pagkakanlong umano ng Qatar ng mga terorista.