Mga OFW sa ilalim ng special skilled workers, ipapadala na sa Japan – DOLE

Inaasahang magsisimula ngayong taon ang deployment ng mga OFW sa ilalim ng special skilled workers (SSW) sa Japan.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – apat na buwan mula ngayon ay posibleng umarangkada na ang deployment.

Aniya, nag-umpisa na ang mga recruitment at training partikular sa language proficiency test at sumailalim sa two skills tests.


Nagpaalala naman si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia sa mga interesadong aplikante na tiyaking sa lehitimong recruitment agencies sila nag-a-apply para sa trabaho sa Japan.

Facebook Comments