Mga OFW sa Iran at Iraq na uuwi ng bansa, handang bigyan ng dole ng Livelihood Assistance

Tiniyak ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na ang mga Pilipinong manggagawa na nasa Iran at Iraq na nais umuwi ng Pilipinas ay mabibigyan ng tulong.

Ito’y sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos kasunod ng pagkakapatay ng top Iranian Commander na si Qassem Soleimani.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, handa ang Dept. of Foreign Affairs na magpatupad ng repatriation sa mga OFW mula sa dalawang Middle Eastern Countries.


Nilinaw ni Bello na walang Bilateral Agreement ang Pilipinas sa Iraq at Iran.

Maliban sa mga alok na trabaho sa bansa, magbibigay din ang DOLE ng Livelihood Assistance.

Facebook Comments