Mga OFW sa Sudan, kailangang matulungan agad ng gobyerno

Kinalampag ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at KABAYAN Partylist Rep. Ron Salo ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) para agad na tulungan ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na apektado ng gulo sa Sudan.

Giit ni Salo, walang oras na dapat sayangin para matiyak ang kaligtasan at maproteksyunan ang nasa 700 OFWs sa Sudan.

Sabi ni Salo, maaaring gamitin sa repatriation at pagtulong sa mga kababayan natin sa Sudan ang Assistance to Nationals Fund.


Iminungkahi rin ni Salo na makipag-ugnayang ang pamahalaan sa iba pang mga diplomatic mission at gobyerno upang mas mapabilis ang pagpapauwi o paglikas sa mga Pilipino sa Sudan.

Pinayuhan naman ni Salo ang mga Pilipino sa Sudan na manatiling alerto at makipag-ugnayan sa konsulado sa Khartoum o embahada sa Egypt kung kailangan nila ng tulong.

Facebook Comments