MANILA – Direktang tinamaan na ang mga Overseas Filipino Workers ng epekto ng 81 million dollars na ninakaw ng Chinese hacker mula sa Bangladesh Central Bank at inilipat sa Pilipinas.Sa interview ng RMN kay Susan “toots” Pple ng Blas Ople Policy Center, sinabi nito na dahil sa kontrobersyal na million dollars money laundering scheme, posibleng madagdagan pa ang mga bansa na magpatupad ng ban sa mga bangko at remittance center ng bansa.Kinumpirma ni Ople na may labing pitong bansa na ang naghigpit at nagpasara sa mga local banks at remittace center kaya ang mga OFWs ay sa mga foreign banks na nagpapadala.Ang apekto aniya nito ay tataas ang singil sa pagpapadala ng mga OFWs.Kaya panawagan ni Ople sa pamahalaan, siguraduhing maibabalik ang magandang imahe ng financing system ng Pilipinas at panagutin ang mga sangkot sa million dollar money laundering scam.
Mga Ofws At Bank Accounts Ng Mga Remittance Center Ng Pilipinas, Apektado Na Ng Kontrobersyal Na $81 Million Money Laund
Facebook Comments