Mga OFWs na biktima ng pang-aabuso sa Brussels, nakauwi na ng Pilipinas – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng bansa ang limang Overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Brussels, Belgium matapos ang isinagawang repatriation.

Ayon sa DFA, nitong June 12 ay nakabalik na ng Pilipinas ang mga naturang manggagawa kasunod ng dalawa pang OFWs na nauna nang nakauwi noong May 27.

Ang mga ito ay ni-recruit umano ng mga Polish employer sa isang Belgian firm ngunit natuklasang peke ang kontrata at permit sa trabaho.


Nalaman din dito na ang mga ito ay naninirahan sa hindi maayos na kondisyon.

Sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA) Office of the Undersecretary for Migration Affairs, Philippine Honorary Consulate sa Flanders, Migrant Workers Office sa Berlin at International Organization for Migration (IOM), naiproseso ang repatriation at suporta para sa mga OFW na umuwi ng Pilipinas.

Binalaan naman ng DFA ang mga OFW sa Europa na mag-ingat sa pagpirma ng mga kontrata at permit upang maiwasan ang mga pang-aabuso.

Facebook Comments