Manila, Philippines – Pinapasilip ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na maipasok ng trabaho ang mga OFWs na posibleng mapauwi galing ng Middle East dahil sa namumuong tensiyon doon.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, ang gusto ng Presidente na maipasok ang mga maaapektuhang manggagawang Pinoy sa mga ginagawa ngayong government projects tulad ng Build Build Build Program.
Kaya ang utos ng Punong Ehekutibo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, gumawa ng mga kailangang hakbang upang matiyak na may naghihintay na hanap buhay sa mga OFW na posibleng mapauwi dahil sa Middle East crisis.
Ayaw aniya ng Chief Executive na mapilayan ang daratnang pamilya ng mapapauwing OFW kaya dapat silang maipasok sa trabaho.
Base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa isa punto dalawang milyong mga Pinoy ang nagta-trabaho sa gitnang silangan.