Labis na ikinadismaya ng mga OFW ang pinataas na kontribusyon na ipapataw sa kanila ng SSS at PhilHealth.
Ayon kay Ms. Susan Ople ng Blas Ople Policy Center, isang Non-Government Organization (NGO) na tumutulong sa mga inaaping OFWs, nababahala ang mga manggagawang Filipino sa ibang bansa dahil sa laki ng itinaas ng kanilang kontribusyon.
Hinimok ni Ople ang dalawang ahensiya na konsultahin ang milyun-milyong OFWs na maaapektuhan ng bagong batas.
Alinsunod sa bagong batas, ang minimum SSS contribution ay P960 sa mga first timer at mandatory at sapilitang pagbabayad ng tatlong buwan sa mga magsisiuwi ng Pilipinas upang magbakasyon o lumagda ng panibagong kontrata.
Habang triple naman ang babayaran sa premium contribution ng mga OFWs sa ilalim ng Universal Health Care Act.
Dagdag pa ni Ople bigo rin ang dalawang ahensia na ipaliwanag sa mga OFW ang mga epekto at benepisyong maaaring makuha ng mga OFW.