Mga OFWs, pinagiingat sa mga online dating sites

Pinag-iingat ng ilang mga mambabatas ang mga Pilipino lalo na ang mga kababaihan sa paglaganap ng mga online dating sites.

Ayon kay ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz, hindi ligtas ang dating sites para makahanap ng mga “potential partners” dahil naging pugad na rin ito ng mga human traffickers at sexual predators para sa paghahanap ng mga bibiktimahin.

Sinabi ng mambabatas na nagiging popular ang mga dating sites sa mga OFWs para makahanap ng makakapareha pero hindi batid ng mga ito ang panganib na naghihintay sa kanila.


Inihalimbawa ni Bertiz ang nangyari sa tatlong Pilipinang nasawi sa Cyprus kung saan inamin ng 35-year old Army Captain ‘serial killer’ sa nasabing bansa na pitong mga babae kasama ang ilang bata ang kanyang pinatay.

Umamin din ang killer na gumagamit siya ng sikat na online dating site para makahanap ng kanyang mabibiktima.

Babala ng mambabatas sa mga kababaihang OFWs sa abroad na mag-ingat sa mga makikilala sa online at hanggat maaari ay iwasan ang mga ganitong social media sites.

Facebook Comments