Pinag-iingat ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa lumalaganap na mga bagong modus.
Pangunahing binanggit ni Magsino ang “punit passport” scheme kung saan base sa ulat kamakailan ng Department of Transportation (DOTr) ay may mga insidenteng sinisira umano ng ilang tauhan ng airline o Immigration ang pasaporte ng mga pasahero.
Paraan umano ito upang ma-offload ang pasahero sa biyahe o kaya ay hihiritan sila ng dagdag na bayad.
Pinayuhan din ni Magsino ang mga OFWs na mag-ingat laban sa panibagong mga kaso ng illegal recruitment tulad ng naitala sa Bahrain kung saan pinapirma sa kontratang hindi klaro ang mga biktima at binigyan lang ng mababang sahod.
Facebook Comments










