Monday, March 23, 2026

Mga oil companies, oobligahin na maging transparent sa pagpapataw ng presyo sa krudo

Oobligahin ang mga kumpanya ng langis na maging transparent sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ito ang iginiit ni Senator Erwin Tulfo na co-author ng Senate Bill 641 na layong magpatupad ng mahigpit na transparency sa Philippine Downstream Oil Industry.

Sinabi ng senador na maraming kababayan ang lumapit sa kanya at idinudulog ang premature hike sa presyo ng langis at may ilan pang gas stations ang nagsabing wala na silang suplay na mistulang naghihintay lang ng mega price hike sa petrolyo.

Sa ilalim ng panukalang batas, imamandato ng Department of Energy (DOE) sa lahat ng mga oil companies ang pagsusumite ng “actual cost component” o ang tunay na detalye ng kanilang gastusin sa bawat litro ng petrolyo bago magdeklara ng dagdag-presyo.

Gagawing “automatic” ang pagsusumiteng ito kapag ang average price ng Dubai crude oil ay umabot sa itinakdang presyo base sa Mean of Platts Singapore (MOPS).

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat nang tuldukan ang tila pagsasamantala ng ilang oil companies sa mga external events at ipapasa naman ang dagdag presyo sa mga consumers.

Facebook Comments