Mga oil company, muling nagpatupad ng rollback

Sa ikalawang sunod na linggo, magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis.

Epektibo alas-12 ngayong tanghali, ipapatupad ng Phoenix Petroleum ang P1.30 bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Ayon sa Phoenix, layon nilang makapag-avail ang mga motorista ng murang petrolyo sa loob ng mas mahabang panahon.


Wala namang rollback sa presyo ng diesel ang Phoenix Petroleum.

Inaasahang susunod ring magpapatupad ng bawas presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Facebook Comments