
Exempted sa truck ban at number coding ang mga oil tankers.
Ito ang inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sa isang pulong balitaan.
Ani Torre, inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolution hinggil dito dahil maituturing itong beyond normal na sitwasyon dulot ng giyera sa Gitnang Silangan.
Epektibo ito simula ngayong araw hanggang sa makapaglabas ng panibagong kautusan ang MMC.
Sakop rin nito ang mga sasakyan na nagdadala ng basic commodities, gaya ng bigas, karne, mga gulay, at iba pa.
Facebook Comments










