Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga malalaking negosyante na magbayad ng kanilang obligasyon sa pamahalaan.
Muling nagpakawala ng tirada ang Pangulo sa Pamilya Lopez ng ABS-CBN, Ayala ng Manila Water at Manny Pangilinan ng Maynilad.
Sa kanyang talumpati sa Tacloban City, iginiit ni Pangulong Duterte na hanggang siya ang nakaupo sa Malacañang ay hindi niya papayagang makabalik sa free TV ang ABS-CBN kung hindi nababayaran ang mga tax obligations nito.
Bukod dito, dapat ding magbayad ang dalawang water concessionaires.
Ipinagmamalaki rin ng Pangulo ang matagumpay na pagbuwag niya sa mga oligarko na masaya niyang dadalhin sa kabilang buhay.
Facebook Comments