Mga Olympics SEAG-bound athletes, nabakunahan na

15

Sinimulan nang bakunahan ngayong araw ang mga atletang Pinoy na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

Pinangunahan ng National Task Force Against COVID-19 ang pagbabakuna na kasalukuyang isinasagawa sa Manila Prince Hotel.


Target maturukan ang lahat ng 700 atleta, coaches, officials at delegasyon ng Pilipinas.

Lalahok sila sa Summer Olympics sa Tokyo, Japan mula Hulyo hanggang Agosto at sa 31st Sea Games na gaganapin naman sa Hanoi, Vietnam sa Disyembre.

Facebook Comments