
Inihatid ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ang 100-Day accomplishment report ng administrasyon sa publiko noong Oktubre 29 sa CSI Stadia, Dagupan City.
Binigyang-diin sa aktibidad ang mga proyektong isinagawa sa loob ng higit tatlong buwan para sa imprastraktura, kalusugan, kalinisan, kalamidad, pinansyal at edukasyon na nakatuon sa isinusulong na programang “Pamilya sa Tahanan”.
Bukod dito, inihayag din ang on-going at planong mga proyekto sa lungsod katulad ng pagpapaigting ng PNP Dagupan.
Inihayag muli ng alkalde ang pinakaunang pagkakataon na mabilis naaprobahan ang annual budget ng lungsod sa loob lamang ng dalawang linggo matapos ihain ng Local Development Council noong Setyembre 30 at aprobado na noong Oktubre 14.
Nasa P1.8 Bilyong piso ang nilagdaang annual budget ng Dagupan City sa 2026.
Binalikan muli ni Fernandez ang P238,154,732 na pondong nasayang umano mula Hulyo 2019 hanggang Hunyo 2022 dahil sa umano’y “highly-irregular, abandoned, defective” na mga proyekto.
Samantala, nagkakaroon na ng preparasyon ang administrasyon para sa 30 na proyekto mula sa Program of Works ng Supplemental Budget para sa taong 2026.









