MGA ONLINE SELLER NA HINDI NAGPAPATUPAD NG DISCOUNT SA ONLINE TRANSACTION NG MGA SENIOR CITIZEN AT PWD, BINIGYANG BABALA NG BIR

Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue 1 sa mga online seller ukol sa hindi pagbibigay ng discount sa mga online transaction nila pagdating sa mga Senior Citizen at PWD.
Mandatory kasi dapat ang mga discount ng mga Senior Citizen at PWD sa lahat ng kanilang mga online transactions.
Ang karamihan kasi sa mga senior citizen ngayon, ginagamit na ang mga online transactions para sa mapadali ang kanilang mga pag-aasikaso sa mga dokumento, pagbabayad sa mga bayarin at maging pag-oorder ng mga kinakailangan nila sa bahay kung saan hindi na sila mahihirapan pang bumyahe.

Malaking tulong umano sa kanila ang paggamit sa online transactions na mahirap nilang dayuhin at lalo pa umanong mas mapapagaan ang kanilang hirap kapag nakakatanggap ang mga ito ng discount sa tuwing gagamit ng online transactions.
Ayon sa BIR, manual man o online transaction, mandatory dapat na makatatanggap ng discount ang mga senior citizen at PWD.
Ang sinumang online seller na mapapatunayang hindi nagbibigay ng discount sa mga senior citizen at pwd ay mapapatawan ng penalty at maaaring makulong ng hindi bababa sa dalawang taon.
Maaari din umanong magreport sa mismong opisina ng BIR ang mga online seller na hindi sumusunod sa ganitong patakaran ng pagbibigay ng discount sa mga Senior Citizen at PWD. |ifmnews
Facebook Comments