Mga online seller na hindi sumusunod sa SRP, binalaan ng DTI

Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online seller sa bansa na hindi sumusunod sa Suggested Retail Price (SRP).

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo ng DTI Consumer Protection Group, mahigpit nilang mino-monitor ang presyo ng mga produkto na ibine-benta online.

Kaya mananagot ang sinumang hindi susunod sa SRP lalo’t maraming Pilipino ang gumagamit ng mga online shop dahil sa community quarantine.


Kumikilos na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) para mahuli ang mga gumagawa ng overpricing, profiteering o nagbebenta ng mababang kalidad na mga produkto.

Facebook Comments