Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring pagmultahin o makulong ang mga online seller na hindi naglalagay ng presyo sa mga inilalako nilang produkto.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, katuwang nila ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) sa paghabol sa kanila.
Hindi nila maaaring linlangin ang kanilang mga consumer lalo na kung ang ibinebenta ay basic necessities at prime commodities.
Iginiit ng DTI na dapat nakasulat ang presyo ng produkto para agad makapili ang mga customer.
Importanteng sumunod ang mga seller sa kung ano ang nakasaad sa ibinebenta nilang kalidad o specification ng produkto.
Facebook Comments