Mga online trolls, kinilala ang kanyang pagkapanalo noong 2016 elections – VP Robredo

Pinatunayan lamang ng mga online trolls na siya ang tunay na nanalo sa pagka-bise president noong 2016 national elections.

Ito ang inihayag ni Vice President Leni Robredo matapos mag-trending ang hashtag #NasaanAngBisePresidente sa social media kasabay ng pananalasa ng Bagyong Vicky.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo kinikilala ng mga trolls na siya ang Pangalawang Pangulo.


Pruweba lamang aniya ito na siya ang hinahanap na Vice President.

Una nang sinagot ni Robredo ang hashtag at sinabing nakikipagtulungan na sila sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments