Mga operasyon ng kapulisan, makatao at bloodless na -PBBM

Makatao at “bloodless” na ngayon ang mga ikinakasang operasyon kontra sa mga krimen.

Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang police operation sa ilalim ng kaniyang administrasyon sa ika-123 police service anniversary ngayong araw.

Ayon sa pangulo, legal at mabisa rin ang crackdown kontra illegal drugs, smuggling, illegal gambling, private armed groups, human trafficking at iba pa.


Ibinida rin ng pangulo ang pagbagsak ng crime rate lalo na sa crime-prone areas gayundin ang maigting na patrol operations at pagdaragdag ng police deployment.

Facebook Comments