Mga operator at driver ng UV express, handa na sa pagbabalik-pasada; dagdag na units, hiniling

Handa na ang Coalition of Drivers and Operators of UV Express atbp. (Codex) sa muling pagbabalik operasyon pero umapela sila sa pamahalaan na dagdagan ang mga unit na papayagang bumiyahe.

Una nang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na 980 UV Express units ang maaaring bumiyahe sa Metro Manila at kalapit lalawigan na mayroong 47 ruta.

Ayon kay Codex President Rosalino Marable, ang bilang ng units na pinayagan lamang ng LTFRB ay maliit na porsyento mula sa 15,000 registered UV Express units.


Nananawagan sila sa Malacañang na payagan ang iba pang UV Express units na makabiyahe pero alinsunod sa isang scheme kung saan nakadepende ito sa kanilang plate numbers.

Pagtitiyak ng Codex na ang lahat ng kanilang units ay regular ang disinfection para sa kaligtasan ng kanilang mga driver at pasahero sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments